KanFil ng SLSU–Tomas Oppus, Opisyal Nang Miyembro ng UNESCO Clubs Philippines

Opisyal nang miyembro ng UNESCO Clubs Philippines ang Kapisanan ng Filipino (KanFil) ng SLSU–Tomas Oppus Campus matapos pumasa sa masusing akreditasyon na pinangasiwaan ng National Coordinating Body of Clubs for UNESCO in the Philippines (NCBCUP).

Inanunsyo ng NCBCUP noong Pebrero 1, 2026, na kabilang ang KanFil sa 102 mula sa 135 aplikanteng organisasyon mula sa iba’t ibang institusyon sa bansa na nakapasa sa lahat ng antas ng pagsusuri. Ayon sa NCBCUP, ang pagkilalang ito ay nagpapatibay sa kalidad ng programa ng KanFil at sa kontribusyon nito sa United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs), partikular sa edukasyon, pagkakakilanlan, at pakikipag-ugnayan sa iba pang institusyon.

Bago makamit ang pagkilalang ito, dumaan ang KanFil sa limang Level ng akreditasyon:

  • Level 1: Pagsumite ng Dokumento – Inihanda at isinumite ng organisasyon ang mga kinakailangang dokumento mula Agosto hanggang Setyembre 2025.

  • Level 2: Webinar Orientation at Mentoring – Dinaluhan ng mga opisyal ng KanFil sina Miles L. Galopo (Pangulo), Mae Flor P. Pene (Internal 2nd VP), Hanz Axl R. Dasal (External 2nd VP), Archie B. De La Torre (Kalihim), at Raniel G. Aninapon, MAEd-FLT (Adviser) noong Setyembre 27, 2025.

  • Level 3: Panayam sa NCBCUP – Sinuri ang misyon, kapasidad, at integridad ng organisasyon.

  • Level 4: International Assembly of Youth for UNESCO (Y4U) at Certificate of Commendation – Lumahok ang KanFil noong Nobyembre 21–23, 2025, sa Forest Crest Resort and Hotel, Nasugbu, Batangas, at tumanggap ng Certificate of Commendation bilang pagkilala sa aktibong pakikilahok sa UN SDGs.

  • Level 5: Panayam sa UNACOM-DFA – Huling pagsusuri bago maging ganap na miyembro.

Ayon sa mga opisyal ng SLSU–Tomas Oppus, ang tagumpay ng KanFil ay bunga rin ng suporta mula sa iba’t ibang sektor:

  • SLSU–Tomas Oppus Campus: Dr. Clemente H. Cobilla (Campus Director), Dr. Norla Grace A. Betarmos (Dekana), at Dr. Pritzel Lee G. Capili (SAS Head)

  • Filipino Education Program: Dr. Norlyn L. Borong (Program Head) kasama sina Dr. Mark B. Galdo, Dr. Analiza M. Nares, Dr. Ginalyn B. Carbonilla, at Dr. Riza L. Lacerna

  • Local Government Units (LGUs): Tomas Oppus, Liloan, Matalom, at Bontoc, kasama si Hon. Christopherson M. Yap, na nagbigay ng pinansiyal na suporta para sa delegasyon sa Y4U

  • Mga magulang ng mga estudyanteng naging opisyal na kinatawan ng KanFil

Dahil sa pagkilalang ito, mas lumalawak ang tungkulin ng KanFil sa paglulunsad ng mga programang pangwika at pangkultura na may internasyonal na pamantayan, pagpapalakas ng youth leadership, at kolaborasyon sa iba pang UNESCO-affiliated organizations. Inaasahang paiigtingin ng KanFil ang mga proyekto sa literasiya, kultura, inklusibong edukasyon, at community engagement sa mga susunod na buwan.

Ang tagumpay na ito ay patuloy na sumusuporta sa UN Sustainable Development Goals, lalo na sa edukasyon, pagkakapantay-pantay, at makabuluhang pakikipag-ugnayan sa komunidad.

Print